-- Advertisements --

Ipapamahagi ang mahigit na tatlong milyong doses ng single-shot Johnson and Johnson (J&J) vaccine laban sa COVID-19 sa mga island provinces sa bahagi ng Visayas at Mindanao.

Sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr., na mayroong parating na 3,239,400 doses ng J&J vaccine ngayong Linggo.

Dahil dito, maaring umabot na sa pitong milyon katao na ang maituturing na fully vaccinated pagsapit ng buwan ng Hulyo.

Inaasahan din na mayroong 14 milyon doses ng COVID-19 vaccine ang darating sa katapusan ng buwan.

Sa buwan naman ng Agosto ay target nilang mabakunahan ang lahat ng mga guro sakaling maaprubahan ng gobyerno ang pagsasagawa na ng face-to-face classes.