-- Advertisements --
Mayroon pang nasa 3.5 milyon na mga benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang hindi pa nakakatanggap ng bakuna laban sa COVID-19.
Sinabi ni DSWD Assistant Secretary Glenda Relova, na sa 4.1 milyon na aktibong 4Ps beneficiaries ay nasa 3.5-million ang hindi pa nababakunahan laban sa COVID-19.
Mahigit 600,000 lamang kasi ang nakatanggap ng kanilang bakuna laban sa COVID-19.
Sang-ayon ito sa panukalang mandatory vaccination sa mga Pantawid Pamilya beneficiares subalit may mga ilang dapat ikonsidera ang gobyerno gaya ng pag-amiyenda ng Republic Act 11310 o kilalang batas na An Act Institutionalizing the Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Hindi kasi bahagi ng programa ang mandatory vaccination sa mga 4Ps beneficiaries.