Humigit-kumulang 3.3 milyong SIM na ang na-enroll sa kasalukuyan kaugnay ng mandatoryong pagpaparehistro nito, ayon sa ulat ng National Telecommunications Commission.
Noong una ay nahirapan ang mga user na irehistro ang kanilang SIM, lalo na sa mga registration portal na ibinigay ng mga pinakamalaking telcos sa bansa.
Gayunpaman, inatasan ng National Telecommunications Commission ang mga networks na magsumite ng araw-araw na ulat para sa pitong araw simula Miyerkules sa anumang insidente ng hindi kumpletong pagpaparehistro at iba pang isyu.
Inaasahan ng Department of Information and Communications Technology na may mga problemang magaganap sa unang dalawang linggo ng pagpaparehistro ng SIM, na sinabi nitong ituturing na test registration period kung saan inaasahang aayusin ng mga telcos ang proseso ng pagpapatala.
Ang SIM Registration Act ay kabilang sa mga batas na tinukoy ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang mga prayoridad ng kanyang administrasyon at mabilis na inaprubahan ng Kongreso, na pinangungunahan ng kanyang mga kaalyado sa gobyerno.