-- Advertisements --

Nakadiskubre ang mga health workers ng mass grave sa harap ng al-Shifa Hospital sa Gaza City.

Ayon sa mga opisyal na unang nahukay nila ang 12 bangkay na karamihan sa mga dito ay mga kabataan.

Sa paglalalim ng hukay ay mayroong dagdag na 30 mga bangkay pa.
Dahil dito ay inakusahan ng Gaza Strip Government ang Israel na ibinabaon nila ang mga bangkay para maitago ang ginawa nilang krimen.

Ang nasabing pagamutan ay nilusob ng mga Israeli army sa hinalang doon nagtatago ang mga Hamas militants.