-- Advertisements --
ILOILO CITY – Mahigit 30 bahay ang natupok sa sunog na sumiklab sa Barangay General Hughes-Montes, Iloilo City.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Barangay Kagawad Rannie Palomo, sinabi nito na umabot sa 21 mga bahay ang totally burned habang 13 naman ang partially burned.
Ayon kay Palomo, mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang mga bahay at dikit-dikit pa.
Pahayag nito, nagsimula umano ang sunog sa bahay ni Weng-Weng Camiguin matapos mag- spark ang linya ng kuryente.
Sa ngayon, temporaryong nananatili ang mga biktima sa isang paaralan at nangangailangan ng mga gamit pantulog, damit at pagkain dahil walang ano mang gamit na naisalba ang mga ito.