ROXAS CITY – Pagputok ng liwanag ginulantang ang ilang mga residente matapos na diumano mahigit 30 patay na aso’t pusa ang tumambad sa mga lansangan at labas ng bahay sa Happy Homes Subdivision, Barangay Sibaguan, Roxas City.
Ito’y kinumpirma ng ilang mga residente sa naturang lugar.
Nabatid na halos walang sugat ang 34 na mga aso at dalawang pusa ngunit kapansin-pansin ang mga likido na lumalabas mula sa kanilang bibig.
Sinasabi na mayroong isang lalaki na sakay sa isang sasakyang pula ang nagtapon ng karne sa kalsada na diumano may lason kung saan madalas na tumatambay ang kanilang mga alagang aso.
Magkahalong lungkot at galit naman ang nararamdaman ngayon ng mga home owners matapos na sinadyang lasunin ang kanilang alagang hayop.
Dahil dito, nakipag-ugnayan na ang mga opisyales ng naturang barangay sa mga kinauukulan upang mabilis mahanap ang suspek.
Desidido naman na magsampa ng kasong paglabag sa Animal Welfare Act of 1998 ang mga home owners laban sa suspek sa oras na mahuli ito ng mga pulis.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang insidente.