-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Nagpapatuloy ang isinasagawang pursuit operations ng militar sa tinatayang nasa humigit kumulang 31 na pinaniniwalaang mga kasapi ng rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Sorsogon.

Ayon kay Major Ricky Aguilar Chief ng Division of Public Affairs Office ng 9th Infantry Division Philippine Army sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, nagsasagawa ng combat operation sa Brgy. Quezon sa bayan ng Bulan ang puwersa ng 31 Infantry Battalion at 96th Military Intelligence Company (MICO) ng makasagupa ang naturang mga rebelde.

Mapalad naman na walang nasugatan o naitalang casualty sa hanay ng pamahalaan gayundin sa hanay ng mga rebelde na mabilis na tumakas matapos ang ilang minutong palitan ng putok.

Nabatid na remote area ang pinangyarihan ng engkuwentro kaya nanging maingat ang tropa sa isinagawang operasyon.

Ayon kay Aguilar, nagtungo sa lugar ang kasundaluhan matapos ang impormasyon na ipinaabotng mga residente hinggil sa presensya ng naturang mga armadong kalalakihan.

Kaugnay nito, malaki ang pasasalamat ng opisyal sa patuloy na pakikipagtulungan ng publiko sa pagpapanatili ng katahimikan sa lugar.