CAUAYAN CITY- Magtatapos ang 317 candidate soildiers ng 5th star Infantry Division Philippine Army na nakahimpil sa Upi Gamu,Isabela.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Army Major Noriel Tayaban, Division Public Affairs Office Chief ng 5th ID sinabi niya na bagamat may mga nag-quit o hindi nakayanan ang pagsasanay ay agad namang may naipalit sa mga ito upang makahabol sa pagsasanay at maabot ang quota na inilaan sa 5th ID.
Pangunahin sa mga kadahilanan ng pag-urong ng 8 candidate soldier ang home sickness dahil mahirap na ihiwalay ang civilian mentality sa mga nagnanais na maging sundalo.
Ayon kay Major Tayaban na una pa lamang na alam ng aplikante na papasok siya sa buhay ng pagiging sundalo kaya dapat handa siya sa pisikal na aspeto sa pagiging sundalo.
Nilinaw naman niya na bagamat umurong ang isang candidate soldier ay maaari pa rin silang makabalik o mag apply muli sa kanilang hanay basta walang nalabag na honor code ng Philippine Army.