-- Advertisements --
Nakabalik na sa bansa ang 354 mga distressed overseas Filipino workers (OFW).
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) na isinakay ang mga ito sa special repatriation flight.
Sinabi naman ni Foreign Affairs Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Sarah Lou Y. Arriola na itinturing nilang isang magandang regalo ito ngayong panahon ng kapaskuhan.
Bilang pagsunod na rin sa ipinapatupad na health protocols ay mananatili muna ang mga ito sa itinalagang quarantine facilities ng gobyerno.