Pinatawan ng sanctions ng United Kingdom ang 370 kumpanya sa Russia at mga indibidwal dahil sa pag-atake nito sa Ukraine.
Ang nasabing sanctions ay kinabibilangan ng asset freeze at travel bans.
Ilan sa mga nasa listahan ay sina Dmitry Medvedev ang dating pangulo ng Russia mula 2008 hanggang 2012 ganun din naging prime minister mula 2012 hanggang 2020 at chairman siya ng Security Council of Russia mula 2020.
Kasam rin ang tagapagsalita ni Russian President Vladimir Putin na si Dmitry Peskov, ang kaniyang minister of defence na si Sergei Shoigu, ang tagapagsalita ng foreign ministry ng Russia na si Maria Zakharova, ang editor-in-chief ng Russian-backed news na channelRT na si Margarita Simoyan, ang co-founder ng ng pinakamalaking investment bank na Alfa-Bank na si Pyotr Aven at ang London-based oligarch at co-founder din ng Alfa-Bank na si Mikhail Fridman.
Nauna ng pinatawan ng UK ang Russia ng trade restriction kabilang na ang dagdag na 35% na taripa ng vodka.