-- Advertisements --
Mayroong kabuuang 301,860 doses na dagdag na Pfizer BioNTech COVID-19 vaccines ang dumating sa bansa nitong Lunes ng gabi.
Ang nasabing mga bakuna ay donasyon ng US sa pamamagitan ng World Health Organization at UN-backed na COVID-19 Vaccine Global Access facility (COVAX).
Lumapag ang nasabing bakuna sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na lulan ng Air Hong Kong Flight.
Sinalubong mismo ni National Task Force Against COVID-19 Sub-Task Group chief assistant secretary Wilben Mayor ang nasabing mga bakuna kung saan pinasalamatan nito ang US government.
Sa kabuuan ay mayroon ng 123.5 milyon COVID-19 vaccines ang natanggap na ng bansa mula ng simulan ang vaccination program noong buwan ng Marso.