-- Advertisements --

Nasa mahigit 300,000 katao ang nakabalik na sa kanilang trabaho sa Metro Manila at kalapit na lugar ng Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite.

Ito ay dahil niluwagan na ng gobyerno ang quarantine restrictions sa nasabing mga lugar.

Sinabi ni Department of Trade and Industry Undersecretary Erineo Vizmonte na magiging maganda na ang galaw ng ekonomiya dahil sa panunumbalik na ng mga tao sa kanilang mga trabaho.

Aabot kasi sa 1 milyon ang nawalan ng trabaho sa NCR Plus matapos na ilagay sa modified enhanced community quarantine ang nasabing mga lugar.