![image 559](https://xrc.bomboradyo.com/newscenter/2023/09/image-559.png)
Mahigit 300 kandidato para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) ang tumugon na sa show-cause order na inilabas ng Commission on Elections (Comelec) hinggil sa premature campaigning.
Sinabi ni Comelec spokesperson John Rex Laudiangco mula nang matapos ang paghahain ng certificates of candidacy nitong nakaraang buwan, ang Task Force Anti-Epal ay nagpadala ng mahigit 1,200 show-cause order sa mga umano’y paglabag sa halalan.
Ang mga kandidatong nakatanggap ng show-cause order ay dapat tumugon sa mga alegasyon sa iligal at maagang pangangampanya batay sa mga ebidensyang nakalap ng Comelec.
Ayon kay Laudiangco, ang pagkabigong gawin ito ay magreresulta sa kasong kriminal o disqualification.
Aniya, kung hindi kumbinsido ang COMELEC sa kanilang tugon ay saka sila sasampahan ng kinauuku[lang kaso.
Giit niya na ang Comelec ang magdedesisyon sa lahat ng mga kasong ito bago ang halalan sa Oktubre 30.