-- Advertisements --
Nasa mahigit 300 katao na ang namatay sa Iran mula ng sumiklab ang kaguluhan dahil sa kaliwa’t kanang mga kilos protesta ayon sa revolutionary guards general.
Sumiklab ito dahil sa pagkamatay ni Mahsa Amini, isang 22 anyos na Iranian woman na nasawi noong Setyembre 16 habang nasa kustodiya ng kapulisan matapos maaresto dahil sa hindi pagsusuot ng hijab alinsunod sa panuntunan ng gobyerno.
Ayon kay Brig. Gen. Amirali Hajizadeh, head ng Guards’ aerospace division, lahat ng mamamayan sa Iran ay apektado ng pagkamatay ni Amini.
Kabilang din sa death toll ang dosenang mga pulis, military troops at militia na nasawi sa mga kaguluhan bunsod ng mga demonstrasyon o pagpatay.