KALIBO, Aklan – Dinagdagan pa ng Philippine National Police (PNP) ang bilang ng pulisya na naka-deploy sa Boracay upang masiguro ang mahigpit na pagbabantay at pagpapatupad ng patakaran at regulasyon sa isla.
Ayon kay Major Bernard Ufano, head ng Provincial Intelligence Branch (PIB)-Aklan na mahigit sa 300 dagdag na security personnel ang ipinadala sa Boracay upang masiguro ang peace and order, gayundin ang kaligtasan at seguridad ng mga residente at turista lalo na ngayong yuletide season, kung saan, inaasahan ang pagbuhos pa ng mga bisita.
Nasa 117 na bagong appoint na police officers mula sa Police Regional Office (PRO-6) ang idiniretso sa isla pagkatapos ng reception rites sa Camp Pastor Martelino sa bayan ng Kalibo.
Maliban dito, ipapadala rin sa Boracay ang 189 na bagong graduate sa schooling.