-- Advertisements --
Naka-quarantine na ang 327 na construction workers na nagpositibo ng coronavirus sa lungsod ng Taguig.
Ayon sa Taguig City government, ang nasabing bilang ay resulta ng isinagawa nilang aggresive testing at contact tracing sa lugar sa construction site sa Fort Bonifacio.
Sa kabuuang 691 na construction workers ay 327 dito ang nagpositibo.
Patuloy din ang panawagan nila sa mga nakasalamuha ng mga nagpositibo sa COVID-19 na makipagtulungan at magkusa ng sumailalim sa pagsusuri.