-- Advertisements --
US IMMIGRATION
US immigration/IG post

Pinakawalan na ng US Immigration officials ang nasa 300 katao matapos ang ipinatupad na malawakang pag-aresto sa Mississippi.

Ang nasabing raid ay kasunod ng kautusan ni US President Donald Trump na immigration crackdown.

Sinabi ni Immigration and Customs Enforcement (ICE) spokesman Bryan Cox, ang mga pinalaya ay dumaan sa proceedings sa federal immigration courts at didinggin ang kanilang kaso sa korte.

Habang mga hindi pinakawalan ay inilipat sa kanilang detention facility.

Hindi naman daw hinihigpitan ang mga ito dahil pinayagan silang gumamit ng telepono para makausap ang kanilang mga kaanak.

Nauna rito umabot sa mahigit 780 mga illegal o undocumented immigrants ang kanilang naaresto sa iba’t ibang planta sa estado ng Mississippi.