-- Advertisements --

Pumalo na sa 318 ang bilang ng mga lumabag sa ipinapatupad na nationwide gun ban na ipinapatupad ng Commission on Elections (COMELEC).

Ayon sa PNP, nadagdag dito ang 41 na gun ban violators kung saan karamihan sa kanila ay pawang mga sibilyan.

Lahat aniya ng mga naaresto ay kanila ng sinampahan ng kaukulang kaso.

Sa kasalukuyan ay mayroong 45,638 na checkpoints ang inilagay ng kapulisan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.