-- Advertisements --
Tumagal ng halos dalawang oras bago na-control ang sunog sa lungsod ng Maynila.
Umabot pa ito sa fourth alarm dahil sa bilis ng pagkalat ng apoy.
Ayon kay Manila Fire District chief of Intelligence and Investigation Division Senior Inspector Alejandro Ramos, nangyari ang sunod sa Onyx, Sta. Ana, Manila.
Sa inisyal na impormasyon, nagsimula umano ang pagkalat ng apoy sa bahay ng isang Aling Lourdes na una nang naputulan ng supply ng koryente kaya gumagamit lamang ng kandila.
Hindi bababa sa 100 bahay ang naapektuhan ng sunog, kung saan nasa 300 pamilya ang walang matutuluyan.
Nagbayanihan naman ang mga residente sa lugar kaya nakatulong ito sa mga bombero upang maapula ang pagkalat ng apoy.