-- Advertisements --
Nasa kabuuang 354 pasahero, truck drivers at cargo helpers ang stranded sa mga pantalan sa Luzon nitong umaga ng Miyerkules sa gitna ng pananalasa ng bagyong Carina at habagat.
Ayon sa Philippine Coast Guard, may 31 ding mga barko, isang motorbanca at 34 na rolling cargoes ang stranded habang 8 vessels at 1 motorbanca ang namalagi muna sa Southern Tagalog at Bicol regions dahil sa bagyong Carina.
Mula sa 354 katao na stranded, 209 dito ay nasa mga pantalan ng Southern Tagalog at 145 naman sa pantalan sa Bicol.
Samantala, patuloy naman ang ginagawang mga evacuation efforts ng ahensiya sa mga residenteng na-stranded dahil sa mga pagbaha sa iba’t ibang lugar sa bansa.