Malugod na in-anunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ligtas na ang nasa mahigit 300 pang mga Pilipino na mula sa Ukraine.
Sa datos ng kagawaran, 150 sa mga ito ay nakauwe na bansa habang nasa 159 naman ang nailikas na, at nasa 23 naman ang inaasahang dumating na sa bansa kagabi.
Kung maaalala, noong Marso 10 ay nakabalik na rin sa Pilipinas mula sa Ukraine ang isang grupo ng mga seafares na crewmembers ng MV Key Knight, MV Star Helena, at MV Pavlina.
Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Sarah Lou Arriola, ang mga ito ay nailikas mula sa nasabing bansa sa tulong ng Honorary Consulate sa Moldova at Philippine Embassy Budapest sa Bucharest, Romania.
Samantala, sinabi naman ng DFA na inaasahan pa nila ang pagbabalik ng mas marami pang mga seafarer sa mga susunod na araw sa pamamagitan ng kanilang evacuation at repatriation programs.
Magugunita na itinaas na rin ng ahensya ang Crisis Alert Level 4 sa lahat ng lugar sa Ukraine para sa mga Filipino nationals na nandoon na layuning mandatoryong pauwiin ang mga ito sa bansa dahil sa krisis at kaguluhan na nagaganap doon ngayon.