Nasa mahigit 300 posibleng areas of concern sa nalalapit na halalan ang isinumite ng Philippine National Police (PNP).
Ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing III ang election hotspots ay tinatawag na aniya ngayong areas of concern.
Aniya, ang pagdedeklara ng areas of concern ng Commission on Elections ay naantala dahil patuloy na biniberipika ng maigi ng poll body ang sitwasyon sa naturang mga lugar.
Iniuri ng PNP ang mga lugar sa bansa sa apat na color-coded categories.
Ang mga lugar na nasa green ay itinuturing na generally peaceful sa pagsasagawa ng halalan.
Ang mga nasa yellow naman ay nakapagtala ng suspected election-related incidents sa nakalipas na dalawang halalan, posibleng may presensiya ng armadong grupo at intense political rivalries at itinuturing na areas of concern
Ang mga lugar naman na nasa orange ay mayroong presensiya ng armed groups gaya ng NPA, kung saan itinuturing ang mga lugar na ito bilang areas of immediate concern.
Samantala ang mga lugar naman na nasa red ay mayroong parameters para sa yellow at orange areas.
Magpopokus ang security forces sa pag-monitor sa mga lugar na ito na may posibilidad ng violence at intense political fights ng mga lokal na kandidato.