-- Advertisements --
image 417

Mahigit 300 tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor) ang nanganganib na matanggal sa trabaho dahil sa hindi pagtupad sa batas na nag-uutos ng college degree o dapat na nakapasa sa civil service professional exam.

Ayon sa legal counsel ng mga empleyado ng Bureau of Corrections na si Jose Ventura Aspiras, ang mga manggagawa na ang mga posisyon ay na-upgrade mula Level 1 hanggang Level 2 ayon sa Civil Service Commission ay binigyan ng 5 taon upang sumunod sa batas.

Ang Bureau of Corrections Act of 2013, na ipinasa noong administrasyon ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, ay naglalayong i-upgrade ang mga pasilidad ng bilangguan, muling isaayos ang ahensya, at gawing propesyonal ang mga hanay nito.

Ang nasabing batas ay nag-aatas sa mga bagong aplikante para sa uniformed correctional o reformation personnel na mga posisyon na college graduates at within the age limit of 21 to 40 years old.

Kaugnay niyan, ang mga apektadong tauhan, na mayroon nang 30 hanggang 40 taon sa serbisyo ayon kay Aspiras, ay humihiling ng 2-taong extension at tulong mula sa corrections bureau na isang attached agency ng Department of Justice.

Binanggit ni Aspiras na saklaw ng panahon ang mga taon na nawala sa kasagsagan ng pandemya ng COVID-19, na maaaring ginamit upang tapusin ang mga kinakailangan.

Una ng sinabi ni Aspiras na naghihintay pa sila ng developments tungkol sa panukalang extension.