Nakaalis na sa Pilipinas ang mahigit 3,000 foreign Philippine Offshore Gaming Operator workers, mahigit dalawang buwan mula nang inanunsyo ni PBBM ang pagbabawal sa mga ito.
Batay sa datos ng Bureau of Immigration, humigit-kumulang 6,000 foreign POGO worker ang na-downgrade na ang kani-kanilang visa mula noong Hulyo.
Mula sa mahigit anim na libo, 55% o kabuuang 3,275 worker ang nakalabas na sa Pilipinas.
Dati nang sinabi ng Department of Justice na mada-downgrade na ang visa ng mga naturang foreign worker simula Oktubre-16, 2024.
Mula sa dating specialized visa, gagawin na lamang itong tourist visa.
Maalalang sa mga nauna nang sinalakay ng mga otoridad na POGO hub sa bansa ay daan-daang Chinese national at iba pang nasyunalidad ang nahuling nagtatrabaho sa mga ito.