Apektado na ang humigit kumulang 352,179 coastal barangays sa lalawigan ng Cavite dulot ng malawakang tumagas na langis mula sa lumubog na MT Terranova sa Limay, Bataan.
Kaugnay nito, tinatayang nasa P17,952,775.65 kada araw ang mawawalang kita ng 25,145 mangingisda sa loob ng 22 araw o sa kabuuan nasa P394,961,064.30.
Sa isang statement, sinabi ng Office of the Civil Defense-Calabarzon, sa kasalukuyan, nag-isyu na ang Provincial government ng Cavite ng ‘No Catch’ at ‘No Sell Zone’ para sa lahat ng uri ng shellfish sa coastal areas ng probinsiya.
Sa isinagawa namang press conference ng Office of the Civil Defense ngayong Biyernes kaugnay sa tumagas na langis mula sa lumubog na MT Terranova sa Bataan, iniulat ni Department of Social Welfare and Development USec. Diana Rose Cajipe na ang 2 probinsiya na Cavite at Bataan ang humiling na ng family food packs para sa mga apektadong mangingisda mula sa 9 na munisipalidad sa Cavite at sa Limay, Bataan.
Ang naturang 9 na nabanggit na coastal local government units sa Cavite na apektado ng oil spill ay inilagay na sa state of calamity.