-- Advertisements --
Nakapagtala ang Philippine Coast Guard (PCG) ng mahigit 340,000 na mga pasahero sa lahat ng pantalan sa Pilipinas sa nakalipas na long weekend bunsod ng Undas break.
Sa monitoring ng PCG, nasa 184,597 ang outbound passengers habang 156,856 inbound passengers ang naitala sa mga pantalan.
Nasa kabuuang 1,674 na sasakyang pandagat at 1,742 motorbancas naman ng ininspeksiyon sa kasagsagan ng pagdagsa ng mga pasahero.
Mananatili namang nakataas ang alerto sa mga PCG districts, stations at sub-stations hanggang bukas Nobiyembre 5 para sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa mga pantalan.