Nagawa na ng Department of Labor and Employment (DOLE) na makapag-profile ng hanggang 30,000 mangagawa ng Philippine Offshore Gaming Operator(POGO).
Ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma, ito ay mula sa tinatayang 40,000 workers na inaasahang maaapektuhan sa tuluyang pagpapasara sa operasyon ng mga ito.
Sa ilalim ng ginagawang profiling, tinutukoy ng DOLE ang mga POGO worker at kung ano ang tulong na maaaring maibigay ng gobierno sa kanila.
Nakikipag-ugnayan mismo ang DOLE aniya sa mga POGO companies upang makuha ang listahan ng mga mangagawang naaapektuhan.
Ang ilan sa mga kompanya ay kusa nang nagbibigay ng listahan habang ang iba ay kailangan pang puntahan mismo ng Labor department.
Samantala, ngayong Setyembre ay nakatakda namang maglunsad ng job fair ang DOLE para sa mga Pilipinong dating nagtatrabaho sa mga POGO hub na ngayon ay tinatawag bilang internet gaming licensee (IGL).
Dito ay mabibigyan ng pagkakataon ang mga manggagawa na pumili ng trabaho na akma sa kanilang dating hawak na trabaho.