-- Advertisements --
vergeire

Inanunsiyo ng Department of Health (DOH) na mahigit 31 milyong shot ng COVID-19 vaccines ang nasayang sa Pilipinas, na nagkakahalaga ng P15.6 bilyon.

Sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, sa kabuuang nasayang na dosis, humigit-kumulang 24 milyon ang nag-expire dahil sa maikling shelf life.

Ang natitirang 7 milyong shot ay nasayang dahil sa temperature excursion, habang ang iba pang mga vial ay binuksan at hindi nagamit.

Dagdag pa niya na mula sa 31 milyon, halos 70 porsiyento ay binili ng pribadong sektor at mga lokal na pamahalaan.

Nabanggit ng opisyal ng kalusugan na ang mga naunang coronavirus jabs ay may shelf life na 6 na buwan lamang mula sa petsa ng bottling.

Ang pag-aalangan o hesitancy sa bakuna laban sa COVID-19 sa mga Pilipino ay tumaas din sa huling bahagi ng taon.

Noong Nob. 17, nasa 73.6 milyong Pilipino ang fully vaccinated laban sa COVID-19.

Nasa 20.8 milyon lamang ang nakatanggap ng kanilang unang boosters.