-- Advertisements --

Nakapagtala ng mahigit 32,000 pasahero sa lahat ng pantalan sa iba’t ibang lugar sa bansa ngayong Biyernes, Disyembre 20, limang araw bago ang Christmas holiday.

Sa monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG), na-monitor ang 20,024 outbound passengers habang nakapagtala naman ng 12,596 inbound passengers.

Ininspeksiyon naman ng nasa 2,747 deployed frontline personnel mula sa 16 na PCG districts ang 172 barko at 73 motorbancas.

Simula ngayong araw, Disyembre 20 ay naka-heightened alert na ang PCG districts, stations at sub-stations hanggang sa Enero 3, 2025 para mapangasiwaan ang pagbuhos ng mga pasahero sa mga pantalan pauwi sa kani-kanilang mga probinsiya.

Ang hakbang na ito ay bahagi ng Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2024 ng Department of Transportation.

Maaari namang makipag-ugnayan ang mga pasahero sa PCG sa pamamagitan ng kanilang official FB page o Coast Guard Public Affairs Service contact number na 0927-560-7729 para sa inquiries, concerns, at clarifications kaugnay sa kanilang biyahe.