-- Advertisements --

Nagtala ang International Committee of the Red Cross (ICRC) ng 35,000 katao na rehistradong nawawala sa loob ng 13 taong kaguluhan sa Syria.

Ayon kay Stephan Sakalian ang head of delegation ng ICRC, na binisita ng kaniyang gurpo ang Sednaya Prison kung saan maraming mga dokumento ang nakitang sinira.

Nanawagan din ang ICRC na dapat ay bukas ang access sa lahat ng mga detensyon facilities sa Syria.

Hinikayat din nila ang lahat ng partido na huwag sirain ang mga arrest logs, listahan ng mga nakakulong o namaypaang taon ganun din ang court at hospital records para sa bagong pamunuan ng Syria.