-- Advertisements --

Nakauwi na ang 353 mga overseas Filipino workers mula sa Dubai bilang bahagi ng repatriation program ng gobyerno.

Lulan ng mga ito ng Cebu Pacific kung saan sinagot nila ang pagkain at dinagdagan ang kanilang baggage allowances.

Sasagutin naman ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Philippine Ports Authority (PPA) ang mga quarantine hotel accomodation at RT-PCR tests.

Mula pa noong Hulyo ay nakapagpauwi na ang nasabing airline companies ng mahigit 2,400 Filipinos mula sa Middle East sa pamamagitan ng special commercial flights.

Nakatakda namang isakay din ng airline companies ang nasa 350 OFW sa darating na Linggo mula sa Beirut at Bahrain sa repatration flight mula sa Department of Freign Affairs.