-- Advertisements --
NAGA CITY – Umabot na sa mahigit 35,000 katao ang nailikas mula sa mga high risk areas sa lalawigan ng Camarines Sur dahil sa epekto ng Bagyong Ambo.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Liezel Macatangay ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC)-CamSur, sinabi nito na ang nasabing bilang ang katumbas ng 9,500 pamilya mula sa 32 na mg bayan.
Ayon kay Macatangay, ang naturang mga evacuees ang nananatili sa mahigit 200 na mga evacuation centers.
Aniya, karamihan sa mga bayan na ito ang walang suplay ng kuryente ngunit maayos naman ang kalagayn ng komunikasyon.
Samantala, labis naman ang pasasalamat ni Macatangay na walang naitalang pagbaha at landslide sa naturang lalawigan.