Nabigyan ng alternatibong kabuhayan ang mahigit 35,000 manggagawang naapektuhan dahil sa El Niño phenomenon.
Ayon kay Labor USec. Benjo Benevidez, nabigyan ng pansamantalang trabaho ang mga apektadong manggagawa sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged/Displaced Workers or TUPAD Program.
Ang mga ito ay mula sa Cordillera Administrative Region and Mimaropa, Regions I, III, IV-A, VI, IX, at region X.
Kaugnay nito ipagpapatuloy ng ahensiya ang pagtulong sa mga apektadong manggagawa dahil sa naturang weather phenomenon.
Sa katunayan ayon sa DOLE official malaking halaga ang inilaan para sa TUPAD payouts para sa Labor day na mapupunta sa mga ito.
Nasa P163 million ang inilaan para sa sahod ng mga benepisyaryo ng naturang programa.
Una na ngang iniulat ng Task Force El Niño na nasa mahigit 103 siyudad at munisipalidad kabilang ang 5 probinsiya sa mga apektado ng El Niño phenomenon.