-- Advertisements --

Nakahandang i-deploy ang mahigit 36,600 personnel na sanay sa mga search, rescue, at humanitarian operations sa pananalasa ng Super Typhoon Pepito.

Ang mga ito ay mula sa iba’t-ibang mga hanay tulad ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, Philippine Coast Guard.

Maliban sa mga manpower, nakahanda rin ang kabuuang 2,299 assets na magagamit sa mga operasyon.

Kinabibilangan ito ng mga land, air, at water assets tulad ng Philippine Coast Guard at Philippine Navy vessel.

Hindi kabilang dito aniya ang libu-libong mga rubber boats na kasalukuyan nang nakadeploy sa bawat lokal na pamahalaan at maaaring magamit sa anumang oras.

Paglilinaw ng OCD administrator, sa kabila ng sunud-sunod na deployment ng mga rescuers, volunteers, at mga assets dahil sa magkakasunod na bagyo, nananatiling handa ang mga ito sa panibagong deployment kasabay ng patuloy na pagbabanta ng ST Pepito.