Nananatiling naka-deploy ang kabuuang 366 pulis sa mga komunidad na nasa palibot ng bulkang Kanlaon.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson BGen. Jean Fajardo, tuloy-tuloy na tututukan ng mga pulis ang seguridad sa palibot ng bulkan at tumulong sa iba pang pangangailangan, tulad ng pagpapalikas at pagbabantay sa mga evacuation center.
Giit ni Fajardo, nakahanda ang pambansang pulisya na magdagdag pa ng mga pulis kung kinakailangan, habang nananatili ring naka-alerto ang local police na nakabase sa Kanlaon area.
Nitong Abril-8 nang muling sumabog ang bulkang Kanlaon na tumagal ng halos isang oras at nagdulot ng malawakang ashfall.
Sa kasalukuyan, libo-libong mamamayan ang kasalukuyang nasa evacuation center at tinutulungan ng pamahalan sa pamamagitan ng mga serye ng relief operations.
Ang mga ito ay nanatili na sa mga evacuation camp mula pa noong Disyembre 2024, ang huling pagsabog ng Kanlaon, bago ang Abril 8, explosive eruption ng naturang bulkan.