-- Advertisements --

Dumating na sa bansa ang 365,040 doses ng Pfizer COVID-19 vaccine.

Ang nasabing mga bakuna ay bahagi ng binili ng gobyerno.

Pinangunahan ni vaccine czar Carlito Galvez Jr at US Charg’e d’Affaires John Law ang pagsalubong sa nasabing mga bakuna ng ito ay lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Ang 51,480 ay dinala na sa Cebu habang dadalhin naman sa Davao province ang 51,480.

Sinabi ni Galvez na karamihan sa mga bagong dating na bakuna ay ipapamahagi sa mga lugar na hindi pa nakakatanggap ng Pfizer vaccine.