-- Advertisements --
Nasa mahigit 100 milyon videos na ang tinanggal ng TikTok dahil sa paglabag sa kanilang panuntunan ngayong 2020.
Sa nasabing bilang mayroong mahigit 37 million dito ay mula sa India.
Ang nasabing ulat ay matapos ang ginawang pag-ban ng India sa nasabing video platform dahil umano sa alitan nila ng China.
Pumangalawa sa may pinakamaraming videos na kanilang tinanggal ay sa US.
Automatic kasi na nadedetect ng kanilang sistema ang mga nagaganap na paglabag ng mga videos.
Isa sa pinakamalaking market kasi ng TikTok ang India bago ito ipagbawal ng bansa dahil umano sa security threat.