Umabot sa kabuuang 374 katao ang naghain ng kanilang Certificate of Candidacy (COC) para sa pagka-Senador sa 2025 midterm elections.
Batay sa datos na inilabas ng Commission on Elections, 57 Senatorial bets at 53 partylist organizations ang humabol sa huling araw ng filing period.
Sa 374 na kandidato, 184 sa kanila ay tatakbo sa pagka-Senador habang 190 ay para sa partylist organization.
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, agad na pag-aaralan ang mga pangalan sa listahan, kapasidad na maglunsad ng kampaniya, motibo sa pagtakbo, at iba pang konsiderasyon para sa nuisance candidate.
Ayon kay Garcia, target nilang matapos ito bago ang pagpasok ng Disyembre upang masimulan na kaagad ang pag-imprenta ng mga balotang magagamit sa halalan.
Ayon kay Garcia, masusing aaralin ng komisyon ang pangalan ng lahat ng kandidato at hindi lamang basta’t idedeklara ang mga ito bilang mga nuisance candidate.
Una nang sinabi ni Garcia na naging maayos ang walong araw na ginugol sa paghahain ng kandidatura para sa 2025 midterm elections.