-- Advertisements --

Mahigit 375,000 doses ng Pfizer COVID-19 vaccines ang dumating sa bansa.

Ayon sa National Task Force (NTF) Against Covid-19 pasado alas-9 p.m. nitong Lunes ng lumapag ang eroplanong na pinagsakyan ng 375,570 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ang nasabing bilang ay bahagi ng 40 milyon doses na binili ng gobyerno sa US drug companies.

Sa nasabing bilang ay mayroong tig-51,000 doses ang ipapamahagi sa Cebu at Davao City.