-- Advertisements --

Tumaas pa sa mahigit 3,000 indibidwal ang stranded sa mga pantalan sa bansa nitong umaga ng Sabado matapos na kanselahin muna ang biyahe sa dagat dahil sa banta ng bagyong Pepito.

Sa monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG) mula 4 a.m hanggang 8 a.m., kabuuang 3,217 pasahero, truck drivers at cargo helpers ang stranded sa 45 pantalan sa Southern Tagalog, Eastern Visayas at Bicol region.

Kabilang din ang nasa 2 barko at 1,217 rolling cargoes ang hindi muna bumiyahe habang nasa 198 vessels at 156 motorbancas ang pansamantalang nakisilong.

Sa Bicol region, naitala ang mga stranded na pasahero at sasakyang pandagat sa Virac Port, Bacacay Pier, Pioduran Port, Masbate City Port, Mobo Port, Aroroy Port, Cawayan Port, Mintac Port, San Pascual Port, Matnog Port, Pilar Port at Castilla Port.

Habang sa Eastern Visayas naman ay sa Sta. Clara, Dapdap Port at Looc Port habang may 245 katao at mga sasakyang pandagat ang stranded sa 18 pantalan sa Southern Tagalog.