-- Advertisements --
Iniulat ng Philippine Coast Guard (PCG) na mahigit 3, 418 pasahero, truck drivers at cargo helpers ang stranded sa 34 na mga pantalan sa Luzon at Visayas nitong umaga ng Martes dahil sa epekto ng bagyong Kristine.
Sa kabuuan, nasa 162 indibidwal ang stranded sa mga pantalan sa southern Tagalog, 1,299 sa Bicol at mahigit 2,000 sa Eastern Visayas.
Stranded din ang nasa 26 na sasakyang pandagat, 11 motorbacas, 679 rolling cargoes.
Nauna ng ibinabala ng Office of the Civil Defense (OCD) na maaaring maapektuhan ang nasa 18,000 barangay o tinatayang 30 milyong indibidwal sa buong bansa.