Sa isinagawang 2-day free theoretical driving course ng Land Transportation Office, lagpas 3,000 katao ang naki-isa.
Dahil sa kamahalan ng driving course na isang requirement para makakuha ng driver’s license ay sinamantala na ito ng mga tao.
Umaabot raw ng halos 1,200 pesos ang gagastosin sa kurso kaya naman para sa ilang walang trabaho ay talaga namang mabigat na ito.
Kung mapapansin, laganap ngayon ang mga nagtatrabaho na kinakailangan ang lisensya tulad na lamang ng mga delivery rider.
Para sa mga dumalo sa nasabing free driving course malaking bagay na ang makapag tipid ng mahigit 1,000 pesos.
Itong free theoretical driving course ay magbibigay daan upang maibsan ang kanilang gastosin at upang mas magkaroon ng kaalaman sa pagmamaneho ng ligtas.
Samantala, kung maaalala ay pinagpaplanohan ng ahensya ang pagpapa ikli ng examination sa pagkuha ng lisensya.
Ito ay upang mas mapadali na ang pagkuha ng lisensya at hindi na humingi pa ng tulong sa mga fixers ang mga tao.
Kung dati raw ay umaabot ng halos isang oras ang examination, sa ngayon ay plano ng Land Transportation Office na gawin itong dalawangpung minuto na lamang.