Aabot sa mahigit 4.2 million na mga pangalan na ang inalis ng Commission on Elections mula sa opisyal nitong listahan ng mga botante sa Pilipinas.
Ilan sa mga na-delist na mga botante ay bigong makaboto ng dalawang magkasunod na pagkakataon tuwing halalan, ang iba naman ay alinsunod na rin sa utos ng korte, may ilan na dahil sa kawalan ng Filipino citizenship, habang ang iba naman ay naalis sa listahan nang dahil sa kawalan ng mga balidong dokumento.
Sa datos, karamihan sa mga botanteng inalis sa official list of voters ng Comelec ay nagmula sa Region IV-A o Calabarzon.
Kung maaalala, una nang iniulat ng Comelec na pumalo na sa mahigit 2.5 million na mga bagong botante ang nakapagparehistro na para sa 2025 National and Local Elections.
Matatandaang nagsimula noong Pebrero 12, 2024 ang voter registration period para sa May 2025 midterm elections na nakatakda namang magtapos pagsapit ng Setyembre 30, 2024.