Naapektuhan ng El Niño ang mahigit sa 4.5 million katao sa bansa.
Base sa pinakahuling data ng Department of Social Welfare and Development disaster Response Management, apektado ang 14 na rehiyon kabilang ang Ilocos region, Cagayan valley, Central Luzon, Mimaropa, Bicol Region, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao region, Soccsksargen, CAR. at BARMM.
Kaugnay nito, hinatiran na ng DSWD ng kaukulang humanitarian assistance ang mga naapektuhang indibidwal na umaabot sa P372.4 million.
Samantala sa datos ng NDRRMC noong Mayo 13, nasa 280 lokalidad ang nagdeklara na ng state of calamity dahil sa mainit na panahon na sinabayan ng El Niño phenomenon.
Matatandaan na idineklara ang pagsisimula ng dry season sa PH noong Marso 22, 2024.