Pinangunahan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., ang opening ceremony ng 2024 Asia Pacific Ministerial conference on Disaster
Risk Reduction (APMCDRR) sa PICC.
Nasa mahigit 4000 mga participants mula sa 40 na bansa sa mundo ang lumahok sa international events.
Ang APMCDRR ay siyang primary platform ng rehiyon para imonitor, rebyuhin at palakasin ang kooperasyon sa pagpapatupad ng Sendai Framework para sa disaster risk reduction 2015-2030 sa regional level.
Sa pulong na ito mag sama sama ang mga eksperto, scientist, practitioners mula sa ibat ibang bansa para sa layuning makabuo ng mga programa para tugunan ang climate change at maging resilient laban sa mga sakuna.
Layon din nito na palakasin ang kooperasyon sa pagitan ng mga bansa sa rehiyon.
Ginagamit din ng Pilipinas ang pagkakataon upang maging laging handa sa pagtugon sa epekto ng mga sakuna.
Malaking bagay din ang conference para makakuha ng mga insights at makakuha ng leksiyon at best practices mula sa ibang bansa.