-- Advertisements --
Apektado ang biyahe ng nasa 4,000 na overseas Filipino workers (OFW) na patungong Hong Kong dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Dahil sa nasabing insidente ay binago ng gobyerno ng Hong Kong ang panuntunan na pagtanggap ng mga OFW na dapat ay luluwagan ang pagpasok ng mga ito ngayong Pebrero 18.
Tumulong na rin ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na maproseso ang mga exit pass ng OFW na hindi pinatuloy sa Hong Kong.
Tinatayang aabot sa mahigit 200,000 na Pinoy ang nagtatrabaho ngayon sa Hong Kong.
Magugunitang sumipa ang bilang ng mga dinapuan ng Omicron variant sa Hong Kong na nagbunsod sa pagkapuno ng mga pagamutan.