-- Advertisements --

Mahigit 40,000 na ang mga persons deprived of liberty (PDL) sa mga pasilidad ng Bureau of Jail Management and Penology ang naturukan na ng dalawang doses ng COVID-19 vaccine.

Ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG) na mayroong kabuuang 40,875 sa kabuuang 123,499 PDLS sa mga BJMP facilities.

Aabot naman sa 75,970 PDL o 61.5 percent ang nakatanggap ng kanilang unang dose laban sa nasabing sakit.

Sinabi naman ni DILG Secretary Eduardo Ano na hanggang hindi nababakunahan ang lahat ng mga PDL ay hindi sila hihinto.

Dagdag pa nito maaari ng dagdagan ng mga local government unit ang bilang ng mga mababakunahan sa mga PDL dahil sa pagdami na ng mga suplay ng bakuna sa bansa.