-- Advertisements --

Inilikas ang mahigit na 4,000 residente dahil sa pagputok ng bulkan sa south-west Iceland.

Nagsimula ang pagputok ng bulkan sa Reykjanes peninsula matapos ang ilang linggong matinding paglindol.

Labis na takot ang ibinahagi ng ilang residenteng naninirahan malapit sa Grindavik.

Hindi naman nakikita ng mga otoridad na magiging katulad ang pagputok ng bulkan noong 2010 kung saan maraming mga flights sa Europa ang naantala.