-- Advertisements --

Magkasunod na dumating sa bansa ang ilang milyong doses ng bakuna mula sa kumpanyang Pfizer.

Unang dumating ang 3,436,290 doses ng Pfizer COVID-19 vaccines na donasyon ng US sa pamamagitan ng COVAX facility.

Sumunod naman na dumating ang ikalawang batch ng Pfizer COVID-19 vaccine para sa mga batang edad lima hanggang 11-anyos na aabot sa 780,000.

Ang nasabing bakuna para sa mga bata ay binili ng bansa sa pamamagitan ng World Bank.

Parehas na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 ang nasabing mga bakuna.

Sa kabuuan ay mayroong mahigit 222 million doses na bakuna na ang natanggap ng bansa mula pa noong nakaraang taon.

Mayroon na ring mahigit 60.1 million sa 77 million na target population ang naturukan na ng COVID-19 vaccine.l