-- Advertisements --
Umabot sa mahigit apat na milyong batang edad 15-18 ang nabakunahan laban sa COVID-19 sa India.
Ito ay matapos ang aprubahan ng kanilang gobyerno ang pagtuturok ng COVID-19 vaccines sa nasabing age group.
Sinabi ni Indian Health Minister Mansukh Mandaviya na naging maganda ang resulta ng na pagtugon ng nasabing mga nasa age group.
Itinuturing kasi na ang India ang may mabagal na pag-apruba ng mga bakuna sa mga bata.
Magsisimula naman sa Enero 10 ang booster shots sa mga edad 60-anyos pataas sa nasabing bansa.